Bored!?

January 31st, 2009 by lonelypinoy

Pumasok ang taon ng napakalamig ang panahon. Masarap nagbakasyon sa mga lugar na hindi ko pa napuntahan, kagaya ng Vigan. Gumastos ng gumastos sa mga panahon na ang economic crisis ay patindi ng patindi. Buwiset!! Ano bang nangyari? Last year hindi ko naman dama ang kakulangan, pero ngayon patapos na ang unang buwan ng taon, eh parang pagutom ng pagutom. Ano bang meron?

Si Obama nagtatrabaho na para ibsan ang pandaigdigang krisis. Alam naman natin na kapag bagsak ang ekonomiya ng Amerika, tayong mga 3rd world country ay apektado ng malubha. Noong mga unang linggo ng Enero, ang mga balita ay pangkaraniwan pa, pero ngayon tila bagang biglang nagsulputan na parang mga kabote ang mga balita tungkol sa mga nagsasarang kompanya at mga kabilaang lay-offs ng mga empleyado. Ano nga bang meron? Karamihan ang sabi ay dahil sa bunkrupt ang mga ibang malalaking kompanya, ang iba naman dahil sa economic crisis. Ang gusto kong malaman bakit biglaan ang mga pangyayari. Mahirap na ba talagang mabuhay sa panahong ito. Eh diba last holiday season puno ang mga malls, maraming tao sa tyange, kabi-kabilaang mga christmas party, sandamukal na kainan at kaya ngayon lahat nagtabaan.

Hay buhay..pagkatapos ng kasiyahan,Go to fullsize image hirap naman ngyon ang babakahin ng mga Juan dela Cruz. Bilog nga talaga ang mundo. Kaya minsan bored na bored na ko. Bkita ka pa magpakapagod kung lahat naman ay walang kasiguraduhan. Maghapon kang nakaupo sa harap ng computer para sa minimum wage na sahod. Paguwi mo pagod ka na at konting nood ng tv maya-maya ay tulog  ka na. Malamang hindi mo ko magets, well anyway, ganun talaga, lahat tayo may mga buhay na dapat atupagin kahit minsan ay sawang-sawa ka na. May kakilala ako ang laki ng sahod sa opisina. pero bakit ganun lubog pa din sya sa utang??!! Duh!! Saan napunta kinita mo?, sabi ko. Meron naman gipit na nga eh ala namang ginagawa, hindi nag-hahanap  ng trabaho, ano gusto mong mangyari lumapit sayo yung HR ng company?? Loser!! Dam it..boring talaga diba..

Go to fullsize imageSo ano ng sagot sa kahirapan ngayon? Mag-abroad?, kainin mo ang pride mo para mag-hugas ng pwet at mag-alaga ng matatandang ulyanin. Yun ang ginawa ng isa kong kakilala, talo-talo ika nga. Kung napanood nyo yung Caregiver ni Shawie, e malamang mag-enroll ka na din ng caregiving.Go to fullsize image Kung ayaw mo mag-hugas ng pwet, mag-negosyo ka kya? Kung sakaling matanggal ka sa trabaho mo ngayon, for sure may separation pay, gamitin mo, mag-negosyo ka. Mag-tayo ka ng maliit na karinderya kung masarap kang magluto, mag-autoload retailer ka, bumili ka ng motor para pang-tricycle, sari-sari store, or buy & sell, ukay-ukay, atbp. Kung ala naman talagng means to put up a small business, why not try enroll in a masteral course. Para may edge ka sa mga millions of unemployed dito sating bansa. Kung hindi pa din ubra, Sumali ka na lang sa sindikato..hehehehe joke lang. Maraming paraan para maibsan ang kahirapan. Gamitin lang ang utak, sipag at tyaga sabi ni Villar. Pero hindi talaga ko mapakali, bored na talaga ko. Paulit-ulit, gising ng maaga, kain, ligo, pasok sa trabaho, uwi, kain, tulog, tas gising ulit. Hayyyyyy..dismayado ako sa ganitong klaseng buhay. Gusto ko iba naman.

Masarap kayang tumira sa Batanes??A paradise called Batanes... by mumaymdPH.

Mt. Sembrano outback

April 28th, 2008 by lonelypinoy

Photo0676
Mt. Sembrano is located in Barangay, Malaya, Pililia, Rizal it is
surrounded on three sides by the Laguna Lake. It is classified as a
level 2 moderate climb, the peak can be reached by a day?s hike from
the registration
area (Barangay hall).

Photo0668
To get there from Manila. Ride a Jeep going to Tanay, Rizal at the
Jeep Plaza (Jeepney terminal) in Edsa, Shaw crossing it will take you
strait to Tanay Public Market(jeep Terminal) (fare is 48 pesos). At the
Tanay jeep Terminal transfer to another jeep bound for Barangay, Malaya
(fare is 17
pesos), tell the driver you will alight at the barangay hall.

At the barangay hall climbers are required to pay a registration fee
of 10 pesos per person and a barangay contact number is given to all
climbers in case of emergencies. The actual mountain itself according
to the barangay officials is privately owned by
a rich Fil-Chinese businessman (we saw boundary markers (mojon) 300
meters from
the summit).

The trail under the forest canopy is made up slippery and sometimes-loose rock, utmost care must be taken.

Photo0691
Mount Sembrano is an extinct volcano (Elevation: 745 MASL) that sits at the helm of Jalajala peninsula near Laguna Lake in the Philippines, such that the lake surrounds the mountain on three sides. Once a haven of New People’s Army insurgents, it is now a popular hiking destination, offering a view of Laguna Lake, Talim Island, and the Tagalog provinces of Rizal and Laguna. 

It is located along the boundaries of Jalajala, Rizal, Pililla, Rizal and Pakil, Laguna, although the most common starting point for the climb up is from Barangay, Malaya, Pililla, Rizal.

It is known in legend for the miraculous discovery of the icon of Our Lady of Maulawin, whose shrine can be found on the Jalajala side. 

One famous feature is the view of the "Bundok ng Susong Dalaga"
(Maiden’s breast mountains) - two huge mounds of cogonal hills
resembling the female breast, which are the highest peaks on
neighboring Talim Island.
These two hills are among the more famous of several hills in the
Tagalog regions who share the same name, because local folks of old
often named identical conical hills as such. This feature is best
observed from Mt. Sembrano.Photo0735

Cristina Villas @ Antipolo

April 20th, 2008 by lonelypinoy

Photo0461_1 This is a sprawling village complex of hotel and resort facilities. It is a Mediterranean style resort sitting on well landscaped grounds.

The facilities are impressive with 6 swimming pools, countless picnic tables, 27 casitas, a multi-purpose court, KTV rooms, bar and restaurant, 9 executive rooms, 40 standard rooms, 2 dormitory rooms, 3 function rooms. Without doubt a very charming resort.

Photo0456Nice food at the Cafe Cristina big servings sulit ang bayad. Madaming magagawa, mag-swim sa lukewarm pool at relaxing massage sa mga man-made falls. Accomodating personnels, nice getaway for people na stress sa everyday work. Madaling puntahan hindi malayo, 1hr lang nasa Antipolo ka na. Kaya punta na! See my photos at www.jonlen13.multiply.comPhoto0385

Discover PARADIZOO!

February 26th, 2008 by lonelypinoy

Photo0216 Paradizoo is a farm theme park in Tagaytay which we learned is the property of owners of Zoobic in Zambales. The 10 hectares property is the home of various farm animals, such as goats (there’s hundreds of them), one-humped camels, miniature horses (perfect for toddler who wants to experience their first horse-back riding, some ostriches (though not as pretty as those found in Zoobic and Avilon Zoo, native carabaos, wild pigs, bees, ducks, and one-colored peacocks.

To get around Paradizoo, you may opt to take the golf cart. But if you’re looking for a little exercise, touring the property by foot is also a breeze. Just make sure it did not rain the previous night since the road may get muddy when it rained.

Over all, Paradizoo is a good and more accessible alternative to Zoobic. But if you don’t mind traveling to Zoobic, I would suggest you visit Zoobic instead. It’s a good thing Paradizoo is just near Metro Manila, so you can check anytime during weekends.

To get to Paradizoo, just take the main road from Tagaytay Rotonda going to Batangas. After passing Mendez market, watch out for the Paradiso sign on the right. From that corner, it’s a 10 minute drive on a dirt road which will lead you all the way to Paradizoo.

Entrance Fee to Paradizoo is P199/person. Golf Cart rental is P100, horse back riding cost P25. (Mahal siya para sa isang theme farm, i suggest na ibaba anf price para mas affordable.)

Sarap dito, malamig ang hangin at magandang mag-take ng pictures para sa mga mahilig sa nature. See some of my pix visit www.jonlen13.multiply.com enjoy!

Chicosci-Unexpected!

November 11th, 2006 by lonelypinoy

Robinson Ortigas(fountain ground) Nov.10, ‘06 5:15pm-5:45pm

My time is up, ater eight hours of long bored work at the office calling people and persuading them to reactivate their credit card, Im now walking along the Garnet St. On my way home, I always pass by at the Robinson mall at Ortigas, So I can feel the cool breeze of the mall(what a jerk!). Upon entering at the mall I heard the loud struck of drums and guitar riffs. In my amazement I walked faster just to see a glimpse of what was happening at the lower gorund. What the heck! It’s a band playing in their strong and adrenalin blood. Yeah!
It was Chicosci_1
Chicosci playing on the stage. I felt so lucky, I haven’t seen this band playing live but now I’m staring at them and the good thing was I’ts for free(stun!). They are having their mall tour. I admire these guys how they play on stage, in a live audience, they really give their heart out for their music. Mostly I’m not familiar with their songs but at least I know some of them, Paris, 7 Black Roses, and  A Promise, to name a few. Usually when I watch gigs, I simply listen to the music and observe how the band plays, with that kind of attitude I’m learning while listening. As the band plays, I noticed  Mong
Mong how he riff the guitar and tuning in and out the effects of his guitar, I’ts just amazing. Creativity always the name of the game. The drummer plays simple but you can really feel the energy on his blood. same with the Miggy
vocals Miggy(astig!). The band really rocks the stage whne they start to play their latest single "A Promise" and now my head start to bang and my foot begin to stump..hehehe the crowd screams while the band give their shot to fame jumping, flying guitars, and crashing cymbals..Yeah! a soud in my ear. Their last song Paris sums it up. 30mins of loud and adrenalin rush music, I’m outha here..

“Excuse me!”-Milenyo

September 28th, 2006 by lonelypinoy

Setyembre 29. ‘06: Huwebes ng madaling araw, mga alas dos y medya oras sa Pilipinas ang bagyong si Milenyo ay nasa loob na ng Philippine Area of responsibility. Mabuti at gabi pa lang ng Miyerkules ay maaga ng sinuspinde ang mga klase sa lahat ng antas, bakit kmo? Kasi kung nagkataon ito ang masasalubong mo.Nomrt
Yan ay nangyari mga bandang alas 6:00-8:00 ng umaga. Perwisyo sa biyahe dala ng malakas at pabugso-bugsong hangin at ulan na dala ni Milenyo. Hindi kaya dahil sa pangalan ng bagyo ay hindi sana matindi ang naging hagupit ng bagyo? Aba! Malay ko kung bakit Milenyo ang pangalan ng lintek na bagyo na yan. Sa totoo lang ay makikiraan lang naman ang bagyo na ‘to, pero ibang klase ang dating ni Milenyo. Sa lugar namin sa Mandaluyong ang huling bagyo na may dalang malakas na hangin ay naranasan ko ng ako’y high skul pa, at ngayon lang uli naulit ang ganitong kalakas na bagyo. Siguro kung "Palito" ang pinangalan nila sa bagyo siguro mahina rin ang dating? Tingin mo?

Gayunpama’y dumating na nga ang pinakatatakutan ng Maynila, si Milenyo lumapag na mga bandang 12:00 ng tanghali, madilim na kalangitan at umaatikabong hangin na 180kph.. Lagi akong nakatingala at hinihintay ang bawat hampas ng hangin sa aming bubong at baka sa mFalling
uli kong pagtingala ay ulap na ang makita ko, sa awa naman ni Lord, intact pa rin ang aming bubong. Baba naman ako ng bahay kalaban ko naman baha…Hala sige limas ng tubig, buti na lang talaga at hindi malalakas na ulan ang dala ni Milenyo at hindi masyado sumakit ang likod ko katatanggal ng tubig baha. Napagod na ko, ang mga kasama ko sa bahay tinulugan ang nag-aalimpuyong panahon. Oo nga naman, bagyo yun eh! Ano nga ba naman laban ko? Ala na ring kuryente, akala ko sa lugar lang namin, kasi naman sa lugar namin konting hangin lang blackout na. Hindi pala kami nag-iisa, buong Luzon alang kuryente.Crossing
Hindi na kinaya ang hangin ni Milenyo. Humiga na lang ako at tinakip ang aking unan sa tenga para makatulog at hindi masyadong marinig ang ulan at hangin na humahampas sa aming bubong. Alas 2:00 ng hapon  ang delubyo ni Milenyo? 10 Patay, putol na mga kawad na kuryente, mga nadaganan ng billboard railings.
Anak ng tinapa, ang lupet ni Milenyo..Makikiraan lang hindi ngexcuse me! Iba talaga pag-panahon ang kalaban mo, wag ka ng lumaban, kung ayaw mong masawi.

Natapos na nga ang bagyo, ang daming naperwisyo at nasalanta. Sirang mga bubong, alang kuryente, putol na mga puno, ang buong Maynila nag-mistulang ghost town.Heckofdrive_small Well that’s life..nature disaster are inevitable. Kahit ganun ang mga pangyayari, may mga bagay pa din tayong dapat ipagpasalamat.

Salamat at ala kang kapamilyang nasaktan o nabiktima ng bagyo, salamat at may bahay kang inuuwian habang humahagupit ang bagyo, salamat at may laman pa ang ref nyo kahit blackout at nakatipid pa kayo sa kuryente, salamat may bubong pa ang bahay nyo, salamat at hindi ka naistranded sa kalsada, salamat at hindi binaha ang bahay nyo, salamat at ala kang pasok sa opisina o eskwela, nakatulog ka ng mahaba haba..at ano pa bang pwede ipasalamat? Madami kaibigan..pasalamat ka at buhay ka pa at hindi ka kasama sa casualty ni Milenyo na dumaan lamang ng 2 oras. Hayyy buhay nga naman… Biyernes na ng madaling araw nasa opis pa rin ako sana pag uwi ko mamayang alas 9 ng umaga, may kuryente na. Ayon sa PAGASA si Milenyo ay nasa South China Sea na at lumalakas pa, patuloy tayong manalangin na mabasag na ito bago pa lumapag sa Vietnam. Let’s be concern sa mga creation ni Lord, mga buhay at ari-arian na namimiligro pag dumating si Milenyo sa nasabing lugar. Tama na tulog tumayo ka na sa kama mo, maglinis ng paligid ng makabalik na sa normal ang mga buhay natin.

Everyday Is Exactly The Same

September 6th, 2006 by lonelypinoy

Kings_landing_by_boondocksaintmilesI believe I can see the future
Cause I repeat the same routine
I think I used to have a purpose
But then again
That might have been a dream
I think I used to have a voice
Now I never make a sound
I just do what I’ve been told
I really don’t want them to come around

Every day is exactly the same
There is no love here and there is no pain

I can feel their eyes are watching
In case I lose myself again
Sometimes I think I’m happy here
Sometimes, yet I still pretend
I can’t remember how this got started
But I can tell you exactly how it will end

I’m writing on a little piece of paper
I’m hoping someday you might find
Well I’ll hide it behind something
They won’t look behind
I’m still inside here
A little bit comes bleeding through
I wish this could have been any other way
But I just don’t know, I don’t know what else I can do

Muntik ng Maabot ang langit? (Pico De Loro adventure)

July 29th, 2006 by lonelypinoy

21898751764108l

("I’m always around.."- Superman Returns)

Ang mga pangyayaring ito ay naganap noong ala pa akong trabaho..sa madaling salita tambay kaya napadpad na naman ako sa bundok. Sa pagkakataong ito sa bundok naman ng Pico De Loro sa Maragondon, Cavite. Alam mo ba ang pakiramdam ng nasa taas ng bundok? Naranasan mo na bang maglakad ng halos 4 na oras taas baba, taas baba, kaliwa..kanan..kaliwa..kanan..pasikot sikot sa mga puno at burol para lamang maakyat ang isang bundok? Well, kung ang sagot mo ay hindi pa, mabuting mag-basa ka ng may malaman ka kahit konting kaalaman sa pag-akyat ng bundok. Ang paglalakabay ay sinimulan namin sa DENR Park Grounds. Gabi pa lang dumating na kami, dahil nais naming umakyat ng gabi para hindi mainit at sa campsite na magpa-hatinggabi. Sa kasamaang palad kami’y pinagbawalan ng mga sundalong nag-babantay sa bundok dahil delikado daw at may mga NPA sa lugar. What??? NPA?? No permanent address ba un..o, corny wag ka ng tumawa.. At dahil kami’y mababait at masunurin kami’y nag-stay na lamang sa DENR prak grounds. At binalak na lamang umakyat ng umaga. Natulog na kaming lahat at pag-sikat ng araw, ready to climb up na uli. Hinahabol na uli namin ang oras dahil mahirap maabutan ng tinding sikat ng araw. Ang simula ng paglalakad sa may hi-way na may "magnetic field"–konting impormasyon sa manetic churva churva na ito…kapag dumaan ang mga sasakyan dito kahit patay ang makina aandar pa rin ang sasakyan mo dahil sa magnetic force na nanggagaling sa bundok. Unique diba? Isa yan sa mga feature attraction sa Pico De Loro. At ang mahabang lakaran ay naganap na nga, 8am kami nag-simula, tignan mo na lang ang mga picture na nilagay ko para makarelate ka sa kwento ko. Pagod na ko kalalakad, medyo pawisan na rin pero dapat hindi susuko..laban na ‘to.. Titigas lahat ng muscle mo sa exercise na ito, good for the health talaga ang mountaineering, tagal lahat ng toxic sa katawan mo dahil pagpapawisan ka talaga ng tagagtak..pati underwear mo basa..hehehe.. Pasikot-sikot at akyat baba sa mga bundok at burol na katabi ng Pico De Loro. At patuloy ngang pinagpawisan at napagod kalalakad at kaaakyat, natapos din ang mahabang paglalakbay. Sulit ang pagod dahil ang ganda talaga pag nasa taas ng bundok. Kahit pagod ka na, pero pag-nakita mo na ang lahat ng tanawin sa tuktok..sisigaw ka at sasabihin mong f@#$@%…hehehe joke lang. Iba talaga ang felling, sobrang saya at sarap. Lalo na pag-dumampi na sa iyong mukha ang malamig na simoy ng hangin, tapos matutuyo ang pawis mo, tapos uubo ka, tapos sisipunin, tapos lalagnatin, tapos ma-oospital, tapos ICU, tapos joke lang un lahat… O ayun na nga nasa taas na kami at tumalon ng sabay-sabay…21899328820660l

Love up in the Mountain (Mt. Batulao adventure)

July 27th, 2006 by lonelypinoy

11

(shot from the stiff rocky edges of Mt. Batulao April 7-8 ‘06)

Ang pag-babalik sa bundok ng inyong abang lingkod, sa pagkakataong ito sa bundok naman ng Batulao sa Batangas. Sa lahat ng karanasan ng aking pag-akyat sa bundok ito ang bundok na nagdulot sa kin ng sunburn, halos mamula ako sa tindi ng init ng araw dahil hindi mapuno ang pag-trek sa bundok na ito. Kasama pa din ang mga tropang malalakas ang loob na mag-papawis at mag-bilad sa araw. Grabe talaga ang init.. Ang buong istorya ng pag-akyat ay nag-simula sa Tagaytay. Kami ay galing ng Tagayatay at doon nag-pahinga sa isang retreat house, konting bolahan, kwentuhan, kainan at pasyal sa Picnic Groove. Eto na rin ang siguro ang huli kong pag-akyat dahil meron n uli akong pinag-kakaabalahan. Isang araw at gabi sa retreat house at pag dating ng sumunod na araw ang pag-akyat ay nag-simula ng alas otso ng gabi. Pag-dating sa jump-off point eating galore muna with itlog na pula, kamatis, at sang-damukal na kanin. Hala! Kain dahil isang mahabang lakaran ang nag-hihintay para marating ang camp site ng Batualo. At pag-katapos na ngang mabundat, go na sa trekking, isang umaatiakabong 4 n oras na lakaran dahil ang dilim ng lugar na dinaraan namin. Ang saya, hirap, pagod, at uhaw ngunit isang malamig na hangin naman ang kapalit sa aming pag-lalakbay sa lugar ng camp site. Pag-dating sa mga burol ng Batulao ang hanging dumarampi sa aming mga mukha ang sumalubong samin. Pawi lahat ang pagod, lalo na pag-kasama mo pa ang taong minamahal mo..O, san ka pa?? Ang yakap at init ng kanyang katawan ang iyong mararamdaman sa gabing tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tumatanglaw samin. Ang saya talaga pag nasa bundok, kapag naroon ka na tanggal lahat ng pagod lalo na ang problema. Kaya ako sayo akyat ka din..After 4 hrs of long walk, sa wakas nakarating na din sa camp site. Ang ganda ng lugar malamig ang simoy ng hangin at payapang nakatanglaw ang buwan sa aming lahat. Pahinga lang konti at set na ng aming mga tent para makatulog at maakyat ang bundok ng maaga para hindi mabilad ang balat sa araw. Alas dose na ng gabi April 8 to be exact at…Monthsary na pala namin ng babe ko. First time na nag-celebrate kami ng nasa bundok, ang saya talaga. Isang goodnight kiss lang tulog na..(hindi po kami mag-katabi natulog FYI..;-) Kinaumagahan, Gising na almusal lang sandali at go akyat na sa peak ng Batualo. Alas 7 na mataas na ang araw kaya dapat madaliin ang pag-akyat. At eto na nga tumatanda na yata ako..hehehe biruin nyo ako ang weakest link sa grupo..ang dali akyatin pero pag-pababa na..grabe dinaga ako..Lahat ng mga pictures ang magpapatunay. At ang mga kasama ko..pudpod na kasi ang sandals na tribu na ginamit ko kaya ayun dumudulas ako pababa kalaban pa ang malakas na ihip ng hangin. Halong kaba at saya naman ng makarating na ko sa baba..Pahabol pa sumemplang pa ko sa damuhan..hay grabe pagod na ko..Di bale kasama ko naman ang babe ko kaya bawi pa din.. Nagtataka ka marahil bakit ngayon ko lang sinulat itong mga ‘to? Isa lang ang sagot kasi o.t. ako ngayon sa opis..hehehehe galing noh?? Hanggang sa muli.

DESPERADO?

September 19th, 2005 by lonelypinoy

Umaga, mga bandang alas-9, nag-aabang uli ako sa may Edsa. destinasyon ay sa Makati. Halos isang taon at 7 buwan akong nag-aabang ng bus sa Edsa noong ako’y may trabaho pa. Ngunit ngayon iba na ang senaryo, isa na ako sa libo-libong nakikipagsapalaran na makakita muli ng trabaho.

Ang hirap talaga ng buhay ngayon. Ang mahal ng pamasahe, kung pwede lang sana mag-apply ng naka-bisekleta ay gagawin ko para lang makatipid. Tingin mo desperado na ba ako?

Sa loob ng bus. Aba! himala maluwag. Kaya naman pala ay tanghali na ako ng mag-apply, hindi na sya rush hour. Pero sa loob ng bus, dama mo kagad na 80% na pasahero ay naghahanap ng trabaho, 10% ay papasok sa opisina, 6% ay napadaan lang sa Makati, at ang 4% ay mandurukot. Ganito na ba talaga kalala ang sitwasyon ng mga ilan nating kababayan?

"LOADING", yan ang karatulang tinigilan ng bus. Kung ikaw’y pamilyar sa Makati, ito ang lungsod na mahigpit na ipinatutupad ang ordinansang pang-batas trapiko. Kaya para hindi ka alien sa lugar na ito, hintayin mong sabihin ng konduktor na "Babaan na po! Bawal na po sa banda roon!" Ang galing diba? Only in Makati, sana lahat ng lugar sa Pinas ganyan. Kapag nasa Makati ka na, wag kang mag-dunong-dunungan kung ayaw mong maligaw gaya ko. Kahit ilang beses na ako sa Makati, hindi ko pa rin sya kabisado. Ilang beses na rin akong sumakay sa elevator na pawisan, dahil sa kahahanap ng labasan sa mga building na pinasok ko at mga escalator sa Ayala. Anong tawag sa kin? "MORON", ngunit sa pgkakataong ito alam ko yung lugar. Pumasok na ako sa opisina na aaplayan ko. Isang magandang babae ang sumalubong at sabi "Yes, Sir?", nakangiti at ang puti ng balat parang modelo. Mali yata ako ng pinasukan. Inikot ko ang aking paningin pero tama naman. Ang sabi ko "Aplikante po.." Binigyan ako ng application form, at gaya ng inaasahan ko. Isang mahabang exam na kailang lamang sagutin ng 20 minutos. Ano ako si Einstein? At isang essay test, hayyyy….Talaga naman ngawit na kamay ko 500 words na bolahan, kwentong barbero sa essay test na iyon, and take note english po yun. Buti na lang aral ako sa pag-sulat ng english.

Natapos ang exam, tinawag ang aking pangalan at dinala sa isang cubicle at sinimulan ng interbyuhin ng magandang recruitment officer. Hindi ako kinabahan dahil bago pa ako nag-apply, isang marubdob na panalangin ang aking ginawa. At sa awa ng ni Lord, pasado ako. Ngiti hanggang tenga, mag-hintay daw ako ng tawag dahil hihingin pa nila ang go signal sa opisinang papasukan ko.

Umuwi na ako at may baong magandang balita. Dumaan ang mga araw, gabi, tanghalian, meryenda at halos kalahating buwan na ang lumilipas wala pa rin ang tawag ng opisina. Ano yun? Nadengoy ba ako? Nauto kaya? Binola? O talagang ganun ang buhay? Ang hirap talaga mag-hanap ng trabaho. Desperado ka na ba? Ako desperado na rin kaya? At ang pagiging aburido ko ay natapos din..nag-txt ang magandang recruitment officer at mag-report daw ako sa opisina for psychological exam for endorsement. What the heck! Ano ako may topak?! Pero sige punta ako. Natapos ang mahabang exam ulit. At ang moment of truth ay dumating. Sabi ng magandang recruitment officer "Sorry, kasi yung position na inaaplayan mo ay filled up na..!" Ha!! What the…after all that exam hindi na sya vacant? Yun ang aking reaksyon. Sabi nya she will call us for different position naman daw, kasi dalawa kaming nag-aaply for that position. So to make the long story short. Ako’y bigo pa rin. Wala pa rin trabaho. Kumanta na lang ako.."Nasayang lang ang oras ko, nasayang lang pera ng nanay ko, ang bigat-bigat ng trabaho ang gaan-gaan ng suweldo…hanggat ako’y humihinga may pag-asa ppppaaaaaaaa…….."