Archive for July, 2005

Broken Sonnet o Burnout?

Sunday, July 3rd, 2005

July 3, 2005 Linggo ng hapon 1:37pm and 57 seconds sa loob ng simbahan. Natapos na ang lahat nandito pa rin ako eto nakatulala, di nya makikita dya na nya madarama ang mga pangarap ko para sa kanya. Di ko lam kung wala na sya. Ang init ng pakiramdam ko, parang gusto ko ng humiga at matulog na lang..pero hindi kasi kausap ko ang taong mahal ko. Lahat ng bagay na nasabi ko at ginawa ay napakita ko na sa kanya para sabihing totoo lahat ang sinasabi ko. Ngunit sadya yatang di ukol di bubukol.. May mga bagay sa mundo na pag pinilit mo ay pareho lang kayong masasaktan. Kaya ang end-result ng mahabang pag-hihintay ay palayain ang mahal mo at maging masaya na makita sya sa piling ng iba. Ito ang unang araw na wala na sya. Kausap mo pero di naman nag-sasalita lahat ng tanong ko tanong din ang sagot nya..ang sakit isipin na napaglaruan ba ako o masyadong sineryoso ang mga bagay-bagay. Hayyy ang pag-ibig nga naman, ako’y nilamon ng pag-ibig ganyan talaga masaya.. Sana nag-salita sya halos 3 oras kaming nag-uusap ngunit ala akong narinig sa kanya para ipagtanggol ang sarili nya. Kaya ang sabi ko saka mo na lang ako kausapin pag-ayos na ang isipan nya. Sa ngayon wala munang komunikasyon, maghihintay pa rin ako para marinig ang sasabihin nya. Kung talagang ala na mabuti pa nga siguro ganito ‘na lang tapusin na ang isang kahibangan na di naman sya talagang akin. Mahirap mag-isa pero kailangan kung ito ang tanging paraan para maging maligaya ang isat’-isa. Di nya lahat napansin at wala lang daw..ang sakit para sakin.. sana kilala nyo sya para makita nyo kung saan ako nag-kamali. Pero malinis ang isipan ko dahil pinakita ko at sinabi ang lahat ng nararamdaman ko. Pero sya wala akong narinig. Sana hindi ako mali na mag-desisyon na lumayo. Kung mabasa mo to’ eh di masaya at least ok ka na. Hiling ko sanay lumigaya ka sa piling nya.. Di nya lang alam na damdamin ko’y pinagtakpan na makasama sya ay suntok sa buwan.. Paalam mahal ko.