Archive for August, 2005

Sa Wakas…

Tuesday, August 16th, 2005

Aug 7, 8:11pm sa bahay ako, sa internet shop sya. Ang babaeng mahal ko miss na ko kagad..hehehe. Astig uli diba? Natatawa sya dahil binabasa nya e2ng blog ko sa friendster. At dun naniwala na syang may kaya akong gawin sa larangan ng pagsusulat. Kahit mababaw lang at least napa-believe ko sya. At kapag nag-kataon may isang couple na writer ang guy at eng’r naman ang gal. Sabi ko sa kanya ayaw nya ba ng asawa na rockstar? Yun kasi pangarap ko eh..ang sagot nya "Ayaw ko!" Kaya isa na lamang pangarap yun. Pero ok lang dahil di ko sya ipagpapalit sa mga pangarap ko. Ganyan ang pag-ibig ko sa kanya.

Aug 7, pa din 10:30pm sa bahay ako, sa bahay na sya. Nagtxt sya dahil unlimited daw sya..ako naman ganun din..o may clue ka na kung bakit "Sa wakas ang title ko ngayon..

Sa text nya ang tanong ay "Seloso ka ba?" sagot ko "Hindi" reply nya "Buti naman dahil ako ay selosa kaya beware.." Kakaibang txt ‘to ngayon dahil parang napakalaki ng pag-asa ko sa kanya, at tama nga ako ng hinala.

Aug 8, 1:20am and 31 seconds..ang txt nya sakin "Ay naku manong Jonlen, cge na nga mahal na din kita, kaso pano un pramis kong magbf after grad..panggulo k talga gus2 ko tupdn un." ang sagot ko ok lang willing to wait 4ever. Sa wakas ay nakita ko na ang aking hinahanap, sa wakas ay nakuha ko na ang aking hinahangad..kay tagal ko ng naghintay at nagsunog ng kilay..ngayon ay kami na…And the rest is history. shortcut na yung kwento ko dito kasi ubos na pera pambayad sa rent sa comp..hehehe Opo tama ang binabasa nyo Kami na po..we love each other and nothing will ever change that..astig diba?

Hanggang Kailan….?

Tuesday, August 16th, 2005

Aug. 7, Linggo 12:45pm sa simbahan, kagagaling lang namin ng kaibigan kong si Alvin sa labas dahil nag-internet kami. Pagdating namin sa simbahan ang aking minamahal na sa Shancai ay nakaupo at nagbabasa ng kanyang research work para sa thesis. Syempre excited ako dahil halos 2 weeks din kaming di nagkita at nagkausap. Ang maganda dito ay ganun din sya sa akin, miss nya na rin ako..hehehe.. astig diba? At ayun nga kwentuhan ng halos 2 oras at nahinto dahil service na uli ng 3pm.

Natapos ang service at dahil sa pinagpala talaga ang araw ng linggo, inaya ko syang mag-strol sa sm san lazaro na nasa likod lang ng simbahan namin, walking distance lang. Sa loob ng mall lakad lang ng lakad at kwentuhan ng walang humpay. Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag kasama mo sa tabi mo ang mahal mo.

Sa loob pa rin ng mall ay nagkataon naman na may live entertainment at ang bandang Orange and Lemons pa ang guest..libre mga kapatid at ang husay. Parehas naming pinanood ang show, noong una di nya kilala ngunit ng awitin na ang "Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli sa sbuhay kong puno ng pag-hihirap, na tanging ikaw lang ang pumapawisa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi..Umuwi ka na baby…" Habang tinutugtog ang awit tinignan ko sya at gayun din sya sa akin at ngumiti, dahil alam nya na rin yung awit.

Natapos ang banda, balik na kami sa simbahan dahil uuwi na sila ng mga kapatid nya. Ang araw na yun mga 6:30pm, ang tanging tanong sa aking isipan ay ng tanungin nya ang favorite color ko. Hehehe taka lang ako bakit sya nagtatanong. Nagpaalam na kami sa isat-isa at naapos uli ang isang araw sa aming mga buhay..pero teka may text sakin 8:10pm at laking tuwa ko si Shancai naka-online.