Archive for September, 2006

“Excuse me!”-Milenyo

Thursday, September 28th, 2006

Setyembre 29. ‘06: Huwebes ng madaling araw, mga alas dos y medya oras sa Pilipinas ang bagyong si Milenyo ay nasa loob na ng Philippine Area of responsibility. Mabuti at gabi pa lang ng Miyerkules ay maaga ng sinuspinde ang mga klase sa lahat ng antas, bakit kmo? Kasi kung nagkataon ito ang masasalubong mo.Nomrt
Yan ay nangyari mga bandang alas 6:00-8:00 ng umaga. Perwisyo sa biyahe dala ng malakas at pabugso-bugsong hangin at ulan na dala ni Milenyo. Hindi kaya dahil sa pangalan ng bagyo ay hindi sana matindi ang naging hagupit ng bagyo? Aba! Malay ko kung bakit Milenyo ang pangalan ng lintek na bagyo na yan. Sa totoo lang ay makikiraan lang naman ang bagyo na ‘to, pero ibang klase ang dating ni Milenyo. Sa lugar namin sa Mandaluyong ang huling bagyo na may dalang malakas na hangin ay naranasan ko ng ako’y high skul pa, at ngayon lang uli naulit ang ganitong kalakas na bagyo. Siguro kung "Palito" ang pinangalan nila sa bagyo siguro mahina rin ang dating? Tingin mo?

Gayunpama’y dumating na nga ang pinakatatakutan ng Maynila, si Milenyo lumapag na mga bandang 12:00 ng tanghali, madilim na kalangitan at umaatikabong hangin na 180kph.. Lagi akong nakatingala at hinihintay ang bawat hampas ng hangin sa aming bubong at baka sa mFalling
uli kong pagtingala ay ulap na ang makita ko, sa awa naman ni Lord, intact pa rin ang aming bubong. Baba naman ako ng bahay kalaban ko naman baha…Hala sige limas ng tubig, buti na lang talaga at hindi malalakas na ulan ang dala ni Milenyo at hindi masyado sumakit ang likod ko katatanggal ng tubig baha. Napagod na ko, ang mga kasama ko sa bahay tinulugan ang nag-aalimpuyong panahon. Oo nga naman, bagyo yun eh! Ano nga ba naman laban ko? Ala na ring kuryente, akala ko sa lugar lang namin, kasi naman sa lugar namin konting hangin lang blackout na. Hindi pala kami nag-iisa, buong Luzon alang kuryente.Crossing
Hindi na kinaya ang hangin ni Milenyo. Humiga na lang ako at tinakip ang aking unan sa tenga para makatulog at hindi masyadong marinig ang ulan at hangin na humahampas sa aming bubong. Alas 2:00 ng hapon  ang delubyo ni Milenyo? 10 Patay, putol na mga kawad na kuryente, mga nadaganan ng billboard railings.
Anak ng tinapa, ang lupet ni Milenyo..Makikiraan lang hindi ngexcuse me! Iba talaga pag-panahon ang kalaban mo, wag ka ng lumaban, kung ayaw mong masawi.

Natapos na nga ang bagyo, ang daming naperwisyo at nasalanta. Sirang mga bubong, alang kuryente, putol na mga puno, ang buong Maynila nag-mistulang ghost town.Heckofdrive_small Well that’s life..nature disaster are inevitable. Kahit ganun ang mga pangyayari, may mga bagay pa din tayong dapat ipagpasalamat.

Salamat at ala kang kapamilyang nasaktan o nabiktima ng bagyo, salamat at may bahay kang inuuwian habang humahagupit ang bagyo, salamat at may laman pa ang ref nyo kahit blackout at nakatipid pa kayo sa kuryente, salamat may bubong pa ang bahay nyo, salamat at hindi ka naistranded sa kalsada, salamat at hindi binaha ang bahay nyo, salamat at ala kang pasok sa opisina o eskwela, nakatulog ka ng mahaba haba..at ano pa bang pwede ipasalamat? Madami kaibigan..pasalamat ka at buhay ka pa at hindi ka kasama sa casualty ni Milenyo na dumaan lamang ng 2 oras. Hayyy buhay nga naman… Biyernes na ng madaling araw nasa opis pa rin ako sana pag uwi ko mamayang alas 9 ng umaga, may kuryente na. Ayon sa PAGASA si Milenyo ay nasa South China Sea na at lumalakas pa, patuloy tayong manalangin na mabasag na ito bago pa lumapag sa Vietnam. Let’s be concern sa mga creation ni Lord, mga buhay at ari-arian na namimiligro pag dumating si Milenyo sa nasabing lugar. Tama na tulog tumayo ka na sa kama mo, maglinis ng paligid ng makabalik na sa normal ang mga buhay natin.

Everyday Is Exactly The Same

Wednesday, September 6th, 2006

Kings_landing_by_boondocksaintmilesI believe I can see the future
Cause I repeat the same routine
I think I used to have a purpose
But then again
That might have been a dream
I think I used to have a voice
Now I never make a sound
I just do what I’ve been told
I really don’t want them to come around

Every day is exactly the same
There is no love here and there is no pain

I can feel their eyes are watching
In case I lose myself again
Sometimes I think I’m happy here
Sometimes, yet I still pretend
I can’t remember how this got started
But I can tell you exactly how it will end

I’m writing on a little piece of paper
I’m hoping someday you might find
Well I’ll hide it behind something
They won’t look behind
I’m still inside here
A little bit comes bleeding through
I wish this could have been any other way
But I just don’t know, I don’t know what else I can do