Sa Wakas…

August 16th, 2005 by lonelypinoy

Aug 7, 8:11pm sa bahay ako, sa internet shop sya. Ang babaeng mahal ko miss na ko kagad..hehehe. Astig uli diba? Natatawa sya dahil binabasa nya e2ng blog ko sa friendster. At dun naniwala na syang may kaya akong gawin sa larangan ng pagsusulat. Kahit mababaw lang at least napa-believe ko sya. At kapag nag-kataon may isang couple na writer ang guy at eng’r naman ang gal. Sabi ko sa kanya ayaw nya ba ng asawa na rockstar? Yun kasi pangarap ko eh..ang sagot nya "Ayaw ko!" Kaya isa na lamang pangarap yun. Pero ok lang dahil di ko sya ipagpapalit sa mga pangarap ko. Ganyan ang pag-ibig ko sa kanya.

Aug 7, pa din 10:30pm sa bahay ako, sa bahay na sya. Nagtxt sya dahil unlimited daw sya..ako naman ganun din..o may clue ka na kung bakit "Sa wakas ang title ko ngayon..

Sa text nya ang tanong ay "Seloso ka ba?" sagot ko "Hindi" reply nya "Buti naman dahil ako ay selosa kaya beware.." Kakaibang txt ‘to ngayon dahil parang napakalaki ng pag-asa ko sa kanya, at tama nga ako ng hinala.

Aug 8, 1:20am and 31 seconds..ang txt nya sakin "Ay naku manong Jonlen, cge na nga mahal na din kita, kaso pano un pramis kong magbf after grad..panggulo k talga gus2 ko tupdn un." ang sagot ko ok lang willing to wait 4ever. Sa wakas ay nakita ko na ang aking hinahanap, sa wakas ay nakuha ko na ang aking hinahangad..kay tagal ko ng naghintay at nagsunog ng kilay..ngayon ay kami na…And the rest is history. shortcut na yung kwento ko dito kasi ubos na pera pambayad sa rent sa comp..hehehe Opo tama ang binabasa nyo Kami na po..we love each other and nothing will ever change that..astig diba?

Hanggang Kailan….?

August 16th, 2005 by lonelypinoy

Aug. 7, Linggo 12:45pm sa simbahan, kagagaling lang namin ng kaibigan kong si Alvin sa labas dahil nag-internet kami. Pagdating namin sa simbahan ang aking minamahal na sa Shancai ay nakaupo at nagbabasa ng kanyang research work para sa thesis. Syempre excited ako dahil halos 2 weeks din kaming di nagkita at nagkausap. Ang maganda dito ay ganun din sya sa akin, miss nya na rin ako..hehehe.. astig diba? At ayun nga kwentuhan ng halos 2 oras at nahinto dahil service na uli ng 3pm.

Natapos ang service at dahil sa pinagpala talaga ang araw ng linggo, inaya ko syang mag-strol sa sm san lazaro na nasa likod lang ng simbahan namin, walking distance lang. Sa loob ng mall lakad lang ng lakad at kwentuhan ng walang humpay. Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag kasama mo sa tabi mo ang mahal mo.

Sa loob pa rin ng mall ay nagkataon naman na may live entertainment at ang bandang Orange and Lemons pa ang guest..libre mga kapatid at ang husay. Parehas naming pinanood ang show, noong una di nya kilala ngunit ng awitin na ang "Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli sa sbuhay kong puno ng pag-hihirap, na tanging ikaw lang ang pumapawisa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi..Umuwi ka na baby…" Habang tinutugtog ang awit tinignan ko sya at gayun din sya sa akin at ngumiti, dahil alam nya na rin yung awit.

Natapos ang banda, balik na kami sa simbahan dahil uuwi na sila ng mga kapatid nya. Ang araw na yun mga 6:30pm, ang tanging tanong sa aking isipan ay ng tanungin nya ang favorite color ko. Hehehe taka lang ako bakit sya nagtatanong. Nagpaalam na kami sa isat-isa at naapos uli ang isang araw sa aming mga buhay..pero teka may text sakin 8:10pm at laking tuwa ko si Shancai naka-online.

Broken Sonnet o Burnout?

July 3rd, 2005 by lonelypinoy

July 3, 2005 Linggo ng hapon 1:37pm and 57 seconds sa loob ng simbahan. Natapos na ang lahat nandito pa rin ako eto nakatulala, di nya makikita dya na nya madarama ang mga pangarap ko para sa kanya. Di ko lam kung wala na sya. Ang init ng pakiramdam ko, parang gusto ko ng humiga at matulog na lang..pero hindi kasi kausap ko ang taong mahal ko. Lahat ng bagay na nasabi ko at ginawa ay napakita ko na sa kanya para sabihing totoo lahat ang sinasabi ko. Ngunit sadya yatang di ukol di bubukol.. May mga bagay sa mundo na pag pinilit mo ay pareho lang kayong masasaktan. Kaya ang end-result ng mahabang pag-hihintay ay palayain ang mahal mo at maging masaya na makita sya sa piling ng iba. Ito ang unang araw na wala na sya. Kausap mo pero di naman nag-sasalita lahat ng tanong ko tanong din ang sagot nya..ang sakit isipin na napaglaruan ba ako o masyadong sineryoso ang mga bagay-bagay. Hayyy ang pag-ibig nga naman, ako’y nilamon ng pag-ibig ganyan talaga masaya.. Sana nag-salita sya halos 3 oras kaming nag-uusap ngunit ala akong narinig sa kanya para ipagtanggol ang sarili nya. Kaya ang sabi ko saka mo na lang ako kausapin pag-ayos na ang isipan nya. Sa ngayon wala munang komunikasyon, maghihintay pa rin ako para marinig ang sasabihin nya. Kung talagang ala na mabuti pa nga siguro ganito ‘na lang tapusin na ang isang kahibangan na di naman sya talagang akin. Mahirap mag-isa pero kailangan kung ito ang tanging paraan para maging maligaya ang isat’-isa. Di nya lahat napansin at wala lang daw..ang sakit para sakin.. sana kilala nyo sya para makita nyo kung saan ako nag-kamali. Pero malinis ang isipan ko dahil pinakita ko at sinabi ang lahat ng nararamdaman ko. Pero sya wala akong narinig. Sana hindi ako mali na mag-desisyon na lumayo. Kung mabasa mo to’ eh di masaya at least ok ka na. Hiling ko sanay lumigaya ka sa piling nya.. Di nya lang alam na damdamin ko’y pinagtakpan na makasama sya ay suntok sa buwan.. Paalam mahal ko.

Bamboo album launch sa Megastrip..HALLELUJAH!!

June 3rd, 2005 by lonelypinoy

Gabi, Biyernes 06-03-05 sa likod ng megamol "….sinong sawa, sinong galit, sumigaw ngayong gabi..Hallelu…Hallelujahhhh.." Astig ang sarap talaga manood ng mga pinoy bands, lalo na kung ang mga bandang tulad ng Bamboo, Sugarfree at Hale ay pagsamahin mo na nag-propromote ng mga positibong awit para sa bansa, sa kabataan, at sa lahat ng may tenga.. Pumunta ako sa megamol alas 6:30 ng hapon..pambihira hanap akong hanap sa lugar kung saan gaganapin eh di ko mahanap..pawisan na ko sa kalalakad eh ang lamig sa megamol..ewan ko ba!! Nung mga oras na yun bad trip talaga ako umaga pa lang eh i’m already pissed off.. nag-apply ako sa isang call center sa makati, ayun sa kabutihang palad naligaw ako, pawisang naglalakad sa Paseo..to make the long story short..di po ako natanggap di daw ako marunong mag-english..hahaha eh mga motherf***** pala sila eh..nasa pinas tayo eh..hahaha…. Anyway nanood na lang me ng sine tapos uwi bahay, then bihis ng pang-slamman na attire, syempre hirap naman yata na naka-formal ka sa isang concert…ano yun jologs???!!!

So yun na nga nakita ko rin ang lugar kung saan yung concert, kasi kasabay din nila yung concert ng iba pang bands sa parking area naman sila..at may bayad P100. Sa bamboo buy ka lang ng cd para malapitan mo silang makita, kung tipid ka kita mo pa rin sila sa labas ka, ok pa din di naman malayo masyado.. Eh ako pumasok na ko buy ako ng cd then ready to slamm the people there..Astig talaga lalo na yung Sugarfree,,hindi lang pala musikero ang mga yun..komedyante din.. Opening act yung Hale,,para sa mga emotional ang Hale. Then Sugarfree..at sympre ang main event Bamboo. Ok talaga sulit ang mahabang paglalakad, paghahanap kahit matagal ko ng kabisado ang megamol. "Hallelujahhhh….." sigaw naming lahat. Tama! hanggat ako ay humihinga may pag-asa pa.. Ganyan sana ang attitude ng lahat sa’tin na kahit ang sama ng mga pangyayari sa paligid natin.. Still you can sing and shout Hallelujahhh… ang ibig sabihin nyan ay "Praise The Lord"..kung hindi ako nag-kakamali.. Kaya para sayo suportahan natin ang mga bandang nag-propromote ng mga positibong awitin hindi yung mga puros sigaw lang ang alam ala pang sense.. So lesson learned? Don’t just sing but also listen to the song and know their meanings.. "Oh sabi nila may anting anting ako pero di nila
alam na Diyos ang dahilan ko..Hoy Pinoy ako..buo ang aking loob, may agimat ang dugo ko…"

Whirlwind Romance (3)

June 1st, 2005 by lonelypinoy

Lunes pa rin, gabi na nga lang tapos na ang meteor garden.. text uli ako telling her to forgive me and next time I’ll put her first before anything else. At after a long gone day wait of her text, my phone beep at sa wakas nag-reply sya wohhhhhhh..laking tuwa ko dahil she forgave me na. At she told me di nya din raw me matiis.. Ahhh what a relief.. my girl is back with me..so to make the long story short. I met her the other day in our meeting place. We ate and we talk  and talk and talk as time slowly wasting away we just smile dahil yung dapat na ihahatid ko nung araw ng Tuesday 05-31-05 ay may biglang maghahatid so sa madaling salita, sya na yung ihahatid ko at dun masaya na ang mga sumunod na pangyayari.. Kain uli then walang katapusang kwentuhan. Kahit ang gulo nyang kausap kapag kasama ko sya iba talaga ang pakiramdam, kapag hawak ko na ang kanyang mga kamay, kapag mag-katabi kami sa sasakyan ang saya talaga. Hatid ko na sya sa bahay almost 11:00PM na nun, lagot ako sa parents gabi ko na naman inuwi yung anak nila kaya ayun di na ko nag-tagal sa bahay baka pagalitan pa ako..hehehe

Umuwi na ko sakay ng bus, text ko uli sya telling her I lover her anytime and anywhere. She replied back saying, "Mahal na din kita ata???hahahaha not yet sure..gudnyt po." —-So ano kayang mangyayari sa pag-iibigan na ito ni shancai at dao ming zi? Abangan ang mga susunod na blogs dito sa Lonely PinoY..

Whirlwind Romace (2)

June 1st, 2005 by lonelypinoy

Lunes ng umaga 05-30-05. Puyat ako kakaisip dahil sa yung mahal mo eh galit sayo..mukha talaga akong adik nitong araw na ‘to. ang laki ng eyebags ko namumutla pa ako dahil konti lang nakain ko sa umaga na yun.. Pero ika nga nila give thanks in all circumstances for that is God’s will.. hayy huminga ng malalim at sabi ko maayos din to’ng problema na ‘to hehehe ang babaw ng pinag-awayan.. Pero big deal sakin ‘to, kaw ba naman papiliin yung mahal mo o yung ninang mo..Opo di po kayo nag-kakamali ninang ko po ang ihahatid ko.. I’ll give you a brief background about my ninang. She is 5′4" in height, medyo may katabaan, mayaman, ang prob she is 40+ yrs. old but still single.. Gusto yata mag-madre hehehe. Pihikan lang talga. Takot syang umuwi mag-isa kaya ayun ako lang ang pwede nung araw na ihahatid ko sya sa bahay nila sa Makati.

Balik tyo sa mahal ko, pag-pasok ko sa opis hyper ako. Buksan ko yung computer ko then sound trip ang ginawa ko lahat ng rock music na naka-save sa computer ko pinatugtug ko as in para akong nasa bahay lang.. Isa kasing way sakin eto para mailabas lang yung nararamdaman ko. Lumipas ang mga oras I send her a text msg yung mga tipong matutuwa sya para lang malaman nya na i’m really sorry about the situation. I also try sending her a message in YM telling her I’m really really sorry. Time past by hanggang isang ring sa telepono ang tumunog..ring ring…. And guess what whose on the line?? Damn it! It’s a gay starting to yell me at the phone..that’s our dumb, no breeding operations manager.. Ano ang feeling ng sigaw-sigawan sa telepono at pag-bintangan ng kung ano ano??? Cge nga ano tawag nyo sa mga taong ganun??? Sakto bad trip ako, eh di sigaw-sigawan ko rin sya.. unggoy pa la sya eh.. di naman ako bingi at moron para di sya madinig sa telepono.. so to make matter worst ipasa ko nga sya dun sa taong dapat kaaway nya..hehehe eh di lusot..

Natapos ang buong maghapon alang response sa mahal ko..hayyy umuwi na naman akong sawi sa pag-ibig..o ano pwede na bang pang telenovela?? Nood na lang muna ko ng meteor garden para maaliw aliw naman kahit konti.

Whirlwind Romance

June 1st, 2005 by lonelypinoy

Linggo ng hapon 05-29-05 sa loob ng simbahan, tapos na ang fellowship ng mga kabataan. Nagkita uli kami ng mga nakasama namin sa pag-akyat sa Mt. Crsitobal kunting batian at kamustahan ok n yun. Pagkakataon na naman para makausap ko ang aking mahal..para po sa inyong kaalaman Ann ang kanyang ngalan. So kwento kwento kahit ala namang katuturan tawanan lang kami ng tawanan. Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag kasama mo yung mahal mo para bang gusto mong huminto na lang yung oras para makasama mo sya ng matagal..hehehehe pag in-love daw parang adik..bangag lagi. Hanggang sa sabihin nya sakin sunduin ko sya at ihatid sa darating na Martes pag-katapos ng Cell group.. Ako namang si bangag OO kagad nag sagot. Gabi na ng maalala ko na may ihahatid din pa la ako..hayyyy laking delima pano ko sasabihin sa knya na di ko sya maihahatid.. So text ako ngayon, pilit kong kumbinsihin na sumabay na lang sa amin pero ayaw nya talaga. Sa madaling salita na bad trip sya skin.. What the f***.. sa lahat pa naman ng ayaw ko eh yung magagalit sa kin yung mahal ko.. Terible talaga di ako pinatulog nun sa kakaicp kung pano ang gagawin ko.

Mt. Cristobal Chronicles

May 3rd, 2005 by lonelypinoy

04.24-25.05

Sa wakas nakaakyat uli ng bundok, at sa pagkakataon na’to  Mt. Cristobal naman ang i-coconquer.. Gabi ng Linggo kmi umakyat night trekking..at ang sya.. Para sa kaalaman ng marami ang Cristobal ay mas kilala sa tawag na "Devil’s Mountain". Dahil sa mga kwentong katatakutan sa bundok na ito.. Maraming naliligaw at nawawala sa bundok..daw!! May mga masasamang espiritu na gumagala..at may legend pa na kung tawagin ay "Tumao"..parang Bigfoot daw sya.. pinoy version..Hayyy ang pinoy nga naman magaling na imitator..Hehehehe

Anyway..9:30 kami ng dumating dun..our team are composed of 17, 5 girls, the rest barako na.. Pagdating pa lang dun eh iba na kgad ang atmosphere dahil ang lugar ay dominated by mystical and negative energies..bad spirits are roaming around the place..how do we know because we have friends in high places..God is with us kya discern na namin.. we start the climb by 9:45, we pray that God will lead us to the right path dahil ala naman kaming guide. So akayat na kami.. unang stop over ay sa may Montelibano house..eto ang kilalang psychic sa lugar..at kakaiba nga ang presensya ng mga eto.. pero anong laban nila samin..takot lang nila.. If God is with us who can be against us. Nagpatulong lang kmi kung saan ang trek then tuloy ang akyat. Kaya gabi kami umakyat para malaman namin kung totoo ba ang mga kwento..Hehehehe sa kasamaang palad hindi sya totoo..kwentong kutsero lang ang lahat. No ghost, no howling, and the Mt. is so steep and still. Almost 8 hrs ang pag akyat namin makarating lang sa crater..magdamag naming inakyat at talga namang ang saya at dahil puros stop kmi ung mga girls medyo madaling hingalin.. At sa awa at lakas ni Lord narating na namin ang crater ang lamig sa lugar.

Dahil madaling araw na. Kunting rest, nagtayo ng tent tpos kain konti at hala..tulugan na.. 10am ng Lunes gising, luto, kain at 1130 descend na. 3pm nasa baba na kmi..stop over sa geothermal plant kasi may tindahan dun..meryenda time..at ang bait tlaga ni Lord dhil nung gbi na nagclimb kami ang liwanag ng buwan..sa hapon naman na pagbaba ay makulimlim kaya di mainit..sakto pagdating sa baba umulan..eh de ayos presko lahat.. Sulit ang pag-akyat..sa wakas ang Mt. Cristobal ay di na "Devil’s Mountain" but "God’s Mountain" ni-redeemed na namin sya sa pangalan ni Jesus na may likha ng langit at lupa.. Yan ang aim namin everytime we hike and climb mountains..

Kaw akyat uli kami Mt. Pulog naman next year.. sama ka? Just kip in touch 09277304180.

April 20th, 2005 by lonelypinoy

Hoy ikaw..tama ikaw nga! buti at napadpad ka dito sa blogsite ko. Maligayang pag-dating at ikaw ay isa sa mapalad na makakakita ng aking nude pictures..hehehe (joke lang). Anyway ok ‘tong pa-uso ng friendster ha?! Dati pag-bebenta lang ng mga pictures ang alam nila, pero ngayon astig my free blogsite na rin..kaya para sa mga naka-imbento ng friendster, eto’ng sa inyo “Mga Anak Kayo ng Alam Nyo Na.” Tapos ikaw nga..ikaw pa rin yun.. basahin mo nga ‘to ABNKKBSNPLKO.. Ano nabasa mo? Kung NKKBSKNTLG..ano tawag say’o? Alam mo? Eh di simple lang LITERATE..o ano ang lalim mo kasing mag-isip.. Gayunpaman sana’y matuwa ka sa mga makikita at mababasa mo dito at malaman mong may pag-asa pa ang bansa natin. Mabuhay ang PInoy!! Tumawid tayo sa tamang tawiran hindi dun sa nakakamatay..

-jonlen 04.21.05